Ang manoryalismo ay isang makaprinsipyong organisasyon o komunidad na sumibol noong unang panahon lalong lalo na sa gitnang-kanlurang Europa. Ito ay isang pamamaraan ng paghawak ng isang panginoong may lupa ng mga malalawak na lupain. Isa itong sistemang pang-ekonomiya kung saan ang mga taga-bukid ay nagbibigay ng serbisyo sa isang piyudal na hari, pinuno, o may-ari bilang kapalit ng proteksiyon.
Ito ay sistemang agricultural na nakasentro sa mga nagsasariling estado na kung tawagin ay Manor o isang malaking lupang sinasaka. Marami sa mga tao ang naninirahan sa mga manor bilang alipin. Ang bawat manor ay sentro ng gawaing panlipunan at pangkabuhayan ng mga taong nakatira roon. Ang sentro ng manor ay ang palasyo ng panginoon. May bahagi ang manor na kakahuyan, pastulan, at taninam para sa lahat.
Three-field system ang tawag sa sistema ng pagtatanim na sinusunod sa manor, hinahat ang lupain sa tatlong bahagi, ang isang bahagi ay maaring tamnan ng trigo tuwing tagsibol,ang ikalawa ay tinataniman ng gulay tuwing taglagas at ang ikatlo ay ang bahaging hindi tinataniman.
May tatlong uri ng magbubukid, ang una ay ang tinatawag na alipin na maaring bilhin at ipagbili tulad ng hayop; ang pangalawa ay ang serf, sila ay hindi maaaring umalis at paalisin ng manor at nagsasaka ng walang kabayaran; ang pangatlo ay ang freeman o pinalayang alipin na kadalasan ay may sariling lupa.
REPLEKSYON: Mas kakikitaan ng mas maayos na kalakaran para sa karamihan ang sistemang ito sapagkat kahit paano ay nababahaginan pa rin ng biyaya hindi man sa patas na paraan subalit higit na itong mas mainam kaysa sa sistemang piyudalismo.
No comments:
Post a Comment